Profile Photo
About
Renuel's official photo blog and journal.


It's fRENzied, and the perspectives have no boundaries. Since I do write and photograph as well, it must be a great site to share those.

Reblogs mean "Hey take a glimpse of this one"
ABS-CBN News Library homies feat. Instax Mini 8 yo!

ABS-CBN News Library homies feat. Instax Mini 8 yo!

Night landscape of SM Fairview vicinity. Yeah, clicked the camera shutter just for fun and before finding a resto.

Night landscape of SM Fairview vicinity. Yeah, clicked the camera shutter just for fun and before finding a resto.

Ang swerte ng mga high school (o kahit elementary) kids ngayon, ‘no?

Dahil sobrang prevalent ng social media sa buhay ng tao sa panahon ngayon.

Kung dati, o sabihin nalang natin na noong panahon ko at ng mga taong medyo nauna sa akin magtapos ng sekondarya, hindi pa ganun kadali magbahagi ng impormasyon. Syempre dahil pausbong palang yung mga nagsesend ng sagot assignments via email o via social networking sites. At hindi pa rin naman kasi ganun kalakas at kalawak ang Internet services noong mga panahong yun. Yung iba sa atin naranasang sumakay pa ng jeep para lang makapunta sa isang computer shop. Ngayon, ikaw mismo, pwede na maging Wi-Fi hotspot. Ngayon kahit yung inulam mo kanina, o yung saloobin na tuwang-tuwa ka sa pinananood mong teleserye dahil nakakakilig pwedeng pwede mo agad ipaalam sa mundo. - Feeling Blessed pa nga e, ‘di ba?

Aminin natin na minsan may mga pagkakataong nakakaramdam tayo ng panghihinayang. Bakit nga ba ‘di natin naitabi yung maraming mga cool na cool na larawan o at iba pang files natin noong high school at naipost tulad ng ginagawa ng mga kabataan ngayon? Dati magka-mumurahing film camera ka lang na dala ok na, solb na ang scrapbook project. Mapapamahal ka nga lang. Siguro nagawa yun ng mga rich kids. Tapos di nila alam magsasara rin pala yung Friendster. Hashtag burado. 

Kaya ang payo ko sa mga hindi 90s kids dyan, matutong maging appreciative sa antas o kalidad ng ginagalawan nyong mundo ngayon. Fast-paced na ngayon, kaya nga rin siguro maraming tao ang sobrang ikli ng pasensya (impatient) sa mga bagay2x. Para naman sa mga may kaunting mabasa sa isang tao o isyu, diss agad, matutong maganalisa at magisip-isip muna. Oo, spoon feeding na ang peg ng impormasyon ngayon, kaso dapat may filter ka rin dahil kalakip na rin ng mga ito ang pagiging responsable. 

Tsaka masaya kasi ang high school life, kung pwede lang i-dokumento ulit yung mga naganap nang mas mainam, ‘no? Kayo, galingan nyo.

Fairview Terraces, new Ayala Mall on the block yo

Fairview Terraces, new Ayala Mall on the block yo